Magandang balita para sa mga senior citizen at mga senior high school students sa Maynila dahil inaasahangmatatanggap na nila ang kanilang monthly allowance mula sa city government.

Nabatid na nitong Miyerkules ay nilagdaan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagpapalabas ng may P95.3 milyong halaga ng P500 monthly cash assistance para ng mga senior citizens.

Inaasahang aabot sa 35,788 na mga senior citizens ang tatanggap ng P3,000 bawat isa para sa buwan ng Enero hanggang Hunyo 2021.

Kaugnay nito, ipinag-utos din ni Moreno ang paglalabas ng P1.6 milyong tulong pinansyal para sa mga senior high school students sa lungsod.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Nabatid na may 807 senior high students ang tatanggap ng P2,000 bawat isa para naman sa buwan ng Abril hanggang Hulyo 2021.

Mary Ann Santiago