Natanggap na ng Pilipinas ang karagdagang 1.5 milyong doses ng Sinovac vaccine nitong Huwebes ng umaga.

Dakong 7:48 ng umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3 ang Cebu Pacific flight 5J 671, lulan ang nabanggit na bakuna na sinalubong nina Department of Health Secretary Francisco Duque at vaccine czar Carlito Galvez.

Bahagi ito ng nabili ng pamahalaan upang mababakunahan ang puntiryang 70 porsyento ng populasyon ng bansa salayuning maabot ang inaasahang herd immunitybago matapos 2021.

Tiniyak naman ni Galvez na may sapat na supply ng bakuna ang bansa para sa ipinatutupad na vaccination program nito. Sinabi pa nito na inaasahan pa nila ang pagdating sa bansa ng milyun-milyong doses ng bakuna sa mga susunod pa na buwan.

National

'Unahan ko na kayo!' Jam Magno, kusang sumuko sa CIDG sa Butuan City

Sa datos ng National Task Force on COVID-19, aabot na sa 29,985,130 doses ng bakuna ang dumating sa bansa hanggang nitong Hulyo 22, kaya nagawang mabakunahan ng gobyerno ang aabot sa 15.6 milyong mamamayan.

Aaron Recuenco