Isa si Rhen Escaño sa lead stars ng Vivamax films na “The Other Wife” kung saan co-stars niya sina Lovi Poe at Joem Bascon sa direction ni Prime Cruz.

Sa digital mediacon ng “The Other Wife” ay natanong ni yours truly itong si Rhen kung nakakabaliw ba ang umibig at magmahal nang sobra?

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Ah, siguro po…opo…kasi bilang tao, mararamdaman natin minsan or mare-realized natin minsan na marami tayong pagkakamali pagdating sa Love and I guess yun yung nakakabaliw na part at na-realized natin eventually na may mga mali tayong nagawa.

“Pero at the same time masarap din naman pong mabaliw sa pag-ibig, eh. Pero in a good way…sa tamang paraan, sa tamang tao…so kung mararanasan mo sa buhay na nagpakabaliw ka sa love …nagkakamali at umibig ka ng sobra at nabaliw ka at least mapi-feel mo talaga na tao ka. At para sa akin wala naman pong masama dun.”

Ang katuwiran nitong si Rhen na ang role sa “The Other Wife” ay bilang si Luisa na naging kababata ni Joem bilang si Ronnie na dyowa or husband ni Lovi Poe as Janis na nagbakasyon sa isang beach house na wala sa isip ni Lovi na darating din sa lugar si Rhen and boom, dun na magsisimula ang mga nakakabaliw nilang eksena na may kinalaman of course sa pag-ibig. Yun na!

One more thing, sa trailer pa lang ng “The Other Wife” ay nakakabaliw na kasi biglang naging suspense thriller, na tipong magiging aral sa mga lovers diyan na mahilig mag-left turn or in tagalog, mangaliwa. Yun raw, oh! Hayyyz, true yata talaga ang kasabihang…ang pag-ibig talaga ay makapangyarihan sa true lang.

Mercy Lejarde