Tinapos ng Milwaukee Bucks sa likod ng all-time performance ni Giannis Antetokounmpo, ang duwelo nila ng Phoenix Suns sa pamamagitan ng 105-98 na panalo sa Game 6 para sa una nilang NBA championship mula noong 1971.

Nagposte si Antetokounmpo ng 50 puntos, kabilang ang 33 puntos na ginawa niya sa second half, bukod pa sa 14 rebounds at 5 blocks upang pangunahan ang nasabing panalo ng Bucks.

Nagdagdag naman si Khris Middleton ng 17 puntos, kabilang na ang apat na 'clutch points' sa huling minuto ng laro, kasunod si Bobby Portis na nagposte ng 16 puntos at Jrue Holiday na may 12 puntos at game-high 11 assists bukod pa sa 4 steals.

Natalo ang Bucks sa unang dalawang laro ng series bago winalis ang sumunod na apat na laro upang manaig sa NBA Finals series, 4-2.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Nanguna para sa Suns si Chris Paul na may 26 puntos kasunod si Devin Booker na may 19 puntos matapos alatin sa kanyang shooting sa naitalang 8-for-22 sa kanyang fieldgoals.

Sinamantala ng Bucks ang malamig na shooting nina Booker at Deaandre Ayton upang maagang mangibabaw sa panimula ng laban,15-7 at 29-16 bentahe sa pagtatapos ng first quarter sanhi ng inilatag nilang 11-2 run.

Nailapit nina Cameron Payne at Cameron Johnson ang Suns,26-29 makaraang magtala ng unang walo sa ginawa nilang 10-0 blast.

Kasunod nito,bumawi ang mga starters ng Suns at nagsanib puwersa sina Booker, Ayton, Paul at Mikal Bridges para sa 9-0 run na nagbigay hg kalamangan sa Suns, 35-33 sa unang pagkakataon na napanatili nila hanggang halftime,47-42.

Dalawang ulit pang nagtabla ang iskor,pinakahuli sa 82-all bago kumamada ang Bucks ng 8-2 run para muling lumamang,90-84 na itinaas pa ngGreek superstar at 2-time MVP na si Antetokounmpo may 2:43 pang oras na nalalabi.

Hindi pa rin sumuko ang Suns at ibinaba ang lamang sa 96-100, gayunman, hindi nagpabaya si Middleton upang mapreserba ang tagumpay.

Marivic Awitan