Kahit walang ebidensiya, inakusahan ni Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD) si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ng treason dahil sa pahayag nito na nagyayabang umano ang mga opisyal ng China na sila ang nasa likod sa resulta ng eleksiyon noong 2016 kaya nanalo si PRRD.

Binanatan ni PRRD si Del Rosario sa kanyang taped weekly briefing tungkol sa situwasyon ng COVID-19 ng bansa noong gabi ng Lunes. Noong nakaraang linggo, sinabi ng ex-Ambassador na tumanggap siya ng “most reliable international entity” na nagyayabang ang matataas na pinuno China na nagawa nilang maimpluwensiyahan ang resulta ng PH elections noong 2016 upang manalo si Duterte.

Ganito ang reaksiyon ni Pres. Rody: “You, Alberto, if I see what you have, I will sue you for many things. I have not, for the life of me, sued anybody — libel or anything — during my 23 years [in public office]. But you, I will go after you because it was you who transmitted the message."

“If we are in olden times, if we are only at war, you are guilty of treason. And the reason is you are not a Filipino. You were picked up from somewhere. Why do you look that way? You are not really a Filipino, in fact,” ani Duterte.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ayon sa Pangulo, bubuhusan niya ng kape ang ambassador kapag sila'y nagkita. “You keep on talking. What China? Did China help me? Gago ka [You are stupid]. Where did you get that? With 16 million [who voted for me] can you get the help of another country? Can you buy 16 million [voters]?” galit si Duterte.

Nais daw niyang makita nang personal si Del Rosario“I want to see you personally. Where can I meet you? Where do you have your coffee? I’ll pour your coffee on your face, believe me. You don’t believe me? Try it".

Sabihin lang daw ni Del Rosario kung saan siya matatagpuan at pupunta siya nang walang security. "Bubuhusan kita ng kape sa mukha. Nasaan ang bahay mo? Kakatok ako sa pinto, ako lang mag-isa. Wag kang matakot."

Bilang tugon, sinabi ni Del Rosario na ang mga aksiyon ni Duterte ay nagpapakita ng katotohanan sa impormasyon na talagang tinulungan siya ng China noong 2016 para manalo. “As early as May 15, 2018, our president proudly declared in Casiguran Bay in Aurora that Chinese President Xi Jinping has sworn to protect him from moves that will result in his removal from office,” bigay-diin ni Del Rosario.

Bert de Guzman