Maganda ang sagot ni Dennis Trillo sa tanong ng press people sa virtual mediacon ng“Legal Wives”kung sa totoong buhay kaya niyang magkaroon ng tatlong asawa?

“Kung hindi ako Muslim, mahihirapan ako dahil mahirap ang buhay ngayon. Mahihirapan ako to handle this situation.”

Sa istorya kasi ng“Legal Wives,”asawa niya Andrea Torres, Bianca Umali, at Alice Dixson at may rason kung bakit naging asawa niya ang tatlo. ‘Yun ang ipapakita sa serye sa paraang madaling maiintindihan ng non-Muslim.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Alice, Andrea at Bianca

Ano ang nararamdaman ni Dennis na isa na namang important at challenging role ang ipinagkatiwala sa kanya ng GMA-7?

“Masaya ako na muli akong pinagkatiwalaan ng network ng isang maganda at malaking proyekto. In-expect ko na light lang, puwedeng rom-com ang next project ko dahil galing ako sa heavy project (Cain at Abel). Medyo mabigat ang role ko rito sa“Legal Wives” at baka hindi ko kayanin. Pero, nang mabasa ko ang script, na-realize kong walang dahilan para tanggihan ko ang project na ito at para magamit ang mga boses namin na maiparating sa viewers ang aral na gustong iparating ng project,” sagot ni Dennis.

Para sa role ni Ismael, nagpatubo ng facial hair si Dennis para umakma sa ginampanang karakter. Paulit-ulit din niyang binasa ang kanyang script para ma-memorize niya at pinag-aralang mabuti ang tamang pronunciation, enunciation at syllabication ng Muslim words at tamang tono kung paano ide-deliver. Lahat ng ito nagawa ng tama at mahusay ni Dennis sa tulong ng Muslim consultant na laging present sa taping.

Sa direction ni Zig Dulay at konsepto ni Suzette Doctolero na siya ring headwriter, sa Hulyo 26, na pagkatapos ng “The World Between Us” ang world premiere ng “Legal Wives” na magpapakita sa kultura, family tradition, konsepto ng polygamy, magpapaliwanag kung bakit may rido at iba pang kaugalian ng mga Muslim.

Nitz Miralles