Suportado ng isang infectious disease expert ang mungkahi na suspindihin ang polisiya na nagpapahintulot sa mga batang 5-anyos pataas na makalabas sa gitna ng banta ng Delta variant ng coronavirus.

Maaaring madala ng mga bata ang virus na nagdudulot ng coronavirus disease (COVID-19) sa kanilang mga tahanan, ayon kay Dr. Rontgene Solante, pinuno ng adult infectious diseases unit sa San Lazaro hospital sa Maynila.

“I fully agree with that recommendation,” aniya, sa isang televised press briefing ngayong Martes, Hulyo 20.

“Halimbawa kung mayroong bata nag-positive nga, dahil pinapalabas ‘no. Kapag umuuwi iyan sa bahay, tapos may mga matatanda sa bahay na kasama na hindi pa bakunado, puwede niyang mahawaan ito,” aniya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“So, that’s the danger there, kung halimbawa ituloy natin itong pagpalabas ng mga ganitong klaseng sitwasyon na mayroong Delta variant,” dagdag pa ng eksperto.

Paalala ni Solanta, hindi “exempted” ang mga batas mula sa COVID-19.

“Although mababa ang kaso sa mga bata,” aniya.

Noong Hulyo 9, pinahintulutan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang mga batang nasa edad lima pataas, na makalabas ng kanilang bahay sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) at GCQ.

Analou de Vera