Para sa kanilang huling preparasyon bago sumalang sa 2021 FIBA Asia Cup, nakatakdang magtungo ng Gitnang Silangan ang Gilas Pilipinas upang maglaro sa isang torneo doon.

Sasabak ang Gilas sa The King's Cup sa bansang Jordan mula Hulyo 26 hanggang Agosto 1.

Ito ang nag-iisang torneo na lalahukan ng Gilas bago sumabak sa continental tournament sa Indonesia sa susunod na buwan.

Isa ang Gilas sa anim na koponang magtutuos sa 10th edition ng torneo na idinaraos sa ngalan ni King Abdullah Il Bin Al-Hussein Al-Mazem.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Batay sa schedule na ini-release ng Jordan Basketball Federation, unang makakasagupa ng Gilas ang Egypt sa Hulyo 26 ganap na 11:00 ng umaga (Manila time) kasunod ang Saudi Arabia kinabukasan-Hulyo 27 ganap na 8:00 ng umaga.

Susunod naman ang Jordan-B sa Hulyo 28 ganap na 11:00 ng umaga, Tunisia sa Hulyo 29 ganap na 2:00 ng hapon at Jordan-A sa Huly 30 ganap na 2:00 ng hapon.

Ang Gilas at Jordan ang nanguna sa kani-kanilang grupo sa 2021 Fiba Asia Cup qualifiers habang ang Tunisia at Egypt ay naghahanda para sa 2021 Afrobasket sa Rwanda sa susunod na buwan.

Marivic Awitan