Iniulat ng OCTA Research Group nitong Martes na tumaas sa 1.06 ang reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ito ang unang pagkakataon na lumampas sa 1 ang reproduction number sa rehiyon simula noong Abril 18.

Nabatid na ang reproduction number na nasa 1 o mas mataas pa ay indikasyon na mayroong patuloy na hawahan ng virus.

Sa pinakahuling ulat ng OCTA, nabatid na ang average daily new cases sa NCR ay tumaas rin ng 11% mula Hulyo 13 hanggang 19, na dati ay nasa less than 700 lamang sa nakalipas na apat na linggo.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“This uptick in the NCR is a cause for concern but not yet a cause for alarm, as it is still too early to determine if this will continue to an increasing trend,” ayon pa sa grupo ng mga eksperto.

Dagdag pa nito, ang mga lungsod ng Maynila at Makati ay kapwa nakapagtala ng high reproduction numbers na nasa pagitan ng 1.1 at 1.4, na indikasyon ng increasing trend ng mga bagong kaso ng sakit.

“Manila had a one-week growth rate of 35% while Makati had a one-week growth rate of 29%,” anito pa.

Samantala, ang iba pang local governments na may significant one-week growth rates ay kinabibilangan naman ng mga lungsod ng Valenzuela, Pasay, Marikina, at Parañaque.

Sa labas naman ng NCR, sinabi ng OCTA na ang Mariveles ay nananatiling “very high risk” sa COVID-19 habang ang Davao City, Cebu City, Bacolod, Iloilo City, Makati, Cagayan de Oro, Baguio City, General Santos, Laoag, Lapu Lapu, at Butuan naman ay ikinukonsiderang “high risk.”

Tinukoy rin ng grupo na ang Maynila at Laoag ay nakapagtala ng significant increase ng mga bagong daily cases habang ang Cebu City, Laoag, Lapu Lapu, at Mariveles ay mayroon namang ‘very high infection rates.’

Nakapagtala rin ang Laoag at Mariveles ng high incidence rates, na tumutukoy sa bilang ng mga bagong daily cases per 100,000 population.

Mary Ann Santiago