Nagkukumahog ngayon ang Bulacan Provincial Health Office (PHO) na ma-trace ang higit 100 tao na bumisita sa burol ng isang 34-anyos na babae na natuklasang positibo pala sa COVID-19 tatlong araw matapos itong mamatay.

Ayon sa Bulacan PHO, isinugod si Maria Katrina Santos, 34-anyos, sa Polymedic Hospital sa Guiguinto nitong Hulyo 11, dahil sa pamamanhid ng katawan. Kalaunan ay inilipat ito sa Bulacan Medical Center sa Malolos kung saan nakita ng mga doktot na mayroon pagdurugo sa ilang bahagi ng kanyang utak.

Namatay si Santos isang araw matapos itong sumailalim sa swab test. Kalaunan naman ay inilabas ng ospital ang labi nito.

Nailabas ang resulta ng swab test tatlong araw matapos ang pagkamatay ni Santos. Ayon sa pamilya, hindi naman nakitaan si Santos ng sintomas ng COVID-19 nang isugod ito sa ospital.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Base sa panuntunan ng Department of Health (DOH), kailangang i-cremate sa loob ng 12 oras ang katawan ng taong na namatay dahil sa COVID-19.

Pitong miyembro ng pamilya Santos at 18 kamag-anak nila at mga kapitbahay ang kasalukuyan ngayong naka-home quarantine. Wala naman sa kanila ang nagpakita ng sintomas ng virus.

Kasalukuyang naman nagsasagawa ang Bulacan PHO ng contact-tracing para sa mga tao na dumalo sa burok ng pasyente.

Freddie Velez