RIZAL, Cagayan—Dalawa ang napaulat kamakailan na namatay matapos tamaan ng kidlat sa isang rest house sa loob ng compound ng St. Francis De Assissi Parish Church, Bgy. Mauanan.

Naisugod pa sa Tuao District Hospital ang dalawang biktima na sina Virginia Acosta, 64, chapel assistant, at Samuel Cruz, 42, kapwa residente ng naturang lugar, ngunit idineklarang dead on arrival ng mga sumuring doktor.

Sa ulat ng Rizal PNP, sumilong ang mga biktima sa rest house malapit sa simbahan dahil sa malakas na buhos ng ulan matapos ilipat sa harap ng kumbento ang kanilang alagang kalabaw dakong 4:30 ng hapon nitong Lunes.

Gayunman, isang malakas na pagkidlat ang tumama sa lugar na kanilang pinagsisilungan.

Probinsya

Taxi driver na tinangkang molestiyahin pasahero niya sa Davao City, tinutugis na!

Ayon sa isang saksi, nakita na lamang niya ang dalawang biktima na tinamaan na ng kidlat.