Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 5,651 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Batay sa case bulletin no. 492 na inisyu ng DOH nitong Lunes, Hulyo 19, nabatid na hanggang 4:00 ng hapon ay umaabot na sa 1,513,396 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Gayunman, sa naturang bilang ay 47,561 na lamang o 3.1% ang aktibong kaso o nagpapagaling pa kabilang dito ang 91.9% na mild cases, 2.7% na severe cases, 1.9% na asymptomatic, 1.88% na moderate at 1.6% na kritikal.
Mayroon rin namang panibagong 5,332 pasyente na gumaling na sa karamdaman kaya’t sa kabuuang ay 1,439,049 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 95.1% ng total cases.
Samantala, mayroon ring 72 pa na sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa komplikasyon ng virus.
Sa ngayon nasa 26,786 na ang total COVID-19 death toll sa bansa o 1.77% ng total COVID-19 cases.
Mary Ann Santiago