Tokyo, Japan— Ibinahagi ng mga organizers ng Tokyo Olympics ang naitalang unang kaso ng COVID-19 sa official Olympics Village nitong Sabado, kasabay ng pagsisiguro sa mga manlalaro na mananatiling ligtas ang inaabangang event.

Anim na araw bago ang pormal na pagbubukas ng ceremony, sinabi ng mga organizers na isang hindi pinangalang indibiduwal ang nagpositibo sa coronavirus sa Village, kung saan nananatili ang libo-libong atleta at opisyal para sa Olympics.

“There was one person in the Village. That was the very first case in the Village that was reported during the screening test,” pahayag ni Masa Takaya, spokesman ng Tokyo organizing committee.

“Right now this person is confined to a hotel,” aniya.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ayon sa Japanese media ang naturang indibiduwal na nagpositibo sa virus ay isang foreign national. Nahaharap sa oposisyon mula sa publiko ang Games, na ikinababahalang magdulot ng panibagong pagtaas ng impeksyon.

Siniguro naman ni Seiko Hashimoto, chief organizer ng Tokyo 2020 Games, na handa ang mga organizers sa mabilis na pagtugon sakaling magkaroon ng mas malawak na outbreak.

“We are doing everything to prevent any COVID outbreaks. If we end up with an outbreak we will make sure we have a plan in place to respond,” aniya.

Aminado naman si Hashimoto, sa pangamba ng mga manlalaro na lalahok sa Olympics, na isang taon nang naantala dahil sa pandemic, at nangako na hindi itatago ng mga organizers ang anumang mga kaso.

“Athletes who are coming to Japan are probably very worried. I understand that,” pag-amin niya.