Hindi susuko ang grupo ng dating presidente ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na si Senator Koko Pimentel matapos patalsikin ng paksyon ni Energy Secretary Alfonso Cusi si Senator Manny Pacquiao bilang Pangulo ng partido, sa idinaos na national assembly sa Pampanga, nitong Sabado.

Ipinaliwanag ni Pimentel, anak ni dating Senator Aquilino "Nene" Pimentel Jr., inamin mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang PDP-Laban ay para talaga sa mga Pimentel.

Binigyang-diin nito na hindi niya papayagang i-takeover ng faction ni Cusi ang partido na itinatag ng kanyang ama.

Aniya, ang national assembly sa Clark, Pampanga na dinaluhan ni Duterte ay walang suporta ng karamihan o majority ng may 10,000 miyembro ng partido.

National

Abante, laging inaaya ng golf ni Acop: 'I guess we have to play golf up in heaven!'

Iginiit ni Pimentel na pinaaalahanan niya si Cusi tungkol sa proseso ng kanilang hakbang alinsunod sa Konstitsyon ng PDP-Laban. “We tried to stop them but they seemed to be in a hurry. I reminded him (Cusi) of the things that should be done before meetings of such importance are held. It was hastily done, and this could mean it’s connected with the 2022 elections,” paglalahad ni Pimentel.

Hindi nila aniya mapigilan ang Cusi faction na ituloy ang pulong.

"Hindi kami susuko. We can’t stop them anymore," pagdidiin nito.  Idinugtong din ni Pimentel na ang Comelec (Commission on Elections) na ang magpapasya sa gulo ng partido kapag naghain na ang mga kandidato ng certificates of candidacy (COC) at nominasyon mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 8. 

Bert de Guzman