Isang “insulto sa mga botante” ang deklarasyon ni Pangulong Duterte na tumakbo bilang bise presidente upang maiwasan ang demanda na maaari niyang kaharapin sa sandaling matapos ang kanyang termino sa 2022, ayon sa activist group nitong Linggo, Hulyo 18.

Ginawa ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Secretary General Renato Reyes Jr. ang pahayag, matapos palutangin ni Duterte ang ideya ng pagtakbo sa pagka-bise presidente para maiwasan ang demanda.

“Ito ang pinakamakasarili at pinaka self-serving na dahilan. Ito ay insulto sa mga botante,” ayon sa Twitter post ni Reyes.

“Hindi sya tatakbo para sa serbisyo publiko kundi para maka-iwas sa mga kaso,” dagdag niya.

Metro

Tatay na umano'y nambugbog, sugatan matapos gantihan at saksakin ng anak

https://twitter.com/natoreyes/status/1416567433419104261

Nagpahayag ang pangulo sa kamakailang national assembly ng ruling party PDP-Laban sa Clark Freeport Zone, Pampanga noong July 17.

“Sabi ng batas, na kung Bise Presidente ka, may immunity ka. Eh, ‘di tatakbo na lang ako ng Bise Presidente,” ayon kay Duterte.

Umani ng galit ng mga kritiko ang naging pahayag na ito ni Duterte, na binigyang-diin ng opisyal ng Bayan na ang pangulo lamang ang may kaligtasan laban sa mga demanda.

“Walang immunity ang vice president. Presidente lang ang meron. Ano kaya ang pinagbatayan ni Duterte? O baka naman ito ang gameplan nya—tumakbong VP para maging Presidente uli sa pamamagitan ng succession?,” ayon kay Reyes.

“Tanging ang mga guilty lang ang magsasabi na tatakbo sila para makakuha ng immunity. Parang umamin din sya na may kasalanan talaga siya,” dagdag niya.

Jhon Aldrin Casinas