Nakaramdam ng “moderately strong” na 5.4-magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao nitong Linggo ng umaga.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang epicenter ng lindol sa layong37 kilometro ng Timog Silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental, dakong 8:09 ng umaga.

Naitala rin ang Intensity V sa munisipalidad ng General Generoso.

Ayon sa Phivolcs, niyanig naman ng Intensity IV ang Mati City, Davao Oriental, at Intensity III naman sa Tampakan at Tupi sa South Cotabato.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Naramdaman naman ang “slight shaking” na Intensity II sa Davao City, General Santos City, Kidapawan City at Kiamba, Sarangani.

Tinawag naman ng Phivolcs na “scarcely perceptible” ang Intensity I na tumama sa Arakan, Cotabato.

Inaasahan naman ang aftershocks at pinsala ng pagyanig.