Nasa ika-65th episode na ang seryeng “Init Sa Magdamag” at sa panayam sa Kapamilya aktres na si Alexa Ilacad sa nasabing serye hindi lamang daw ang mga pangunahing bida na sina Yam Concepcion at Gerald Anderson ang dapat tutukan dahil napapansin din sa programa ang chemistry at onscreen romance nito kay Gab Lagman na gumaganap nilang Kiko sa serye.

“Ang dami pang mangyayari and I don’t want to spoil it pero excited ako lalo na sa ending. One thing I can tell you guys is it’s going to be a very happy and kilig ending for Kiko and Hannah. Ang ganda kasi ng kuwento nila eh. It’s not your typical lang na aso’t pusa na nagbabangayan,” share ni Alexa.

“Ang sarap nilang i-portray personally kasi parang yung buhay nila isang malaking adventure. Ang daming nanagyayari. Siyempre dahil story siya, we’ll always bump into each other sa kuwento pero ang ganda lang din at saka yung character development nila, yung mga values na meron na meron sila ang gandang panuorin and they care for each other. I think it’s really cute na kahit nagbabangayan sila meron pa ring certain nuance na alam mong nandun yung care eh,” paliwanag pa ng aktres.

Tsika at Intriga

Negosyo, nalugi! Ken Chan, 'di raw tinatakbuhan isinampang kaso sa kaniya

Alex at Gab

Ibang-iba daw ang role na kanyang ipino-portray rito at hindi lang basta younger sister ni Gerald.

“Medyo first time ko rin gumanap ng isang babaeng iba yung klase ng tapang. At iba rin yung galit na meron kasi siya. Iba yung hubog niya. Ang dami niyang pinagdaanan, ang dami niyang hurt. So as the story progressed, ang natutunan ko sa pagaganap kay Hannah is it really shows that you love someone when you are able to forgive. So parang yun yung pinaka-ending ng buhay ni Hannah na naging masaya na lang siya and iba yung love ng family pa rin talaga,” say pa ni Alexa.

Tiyak na sasaya ang mga supporters ng baguhang aktor na si Gab Lagman, dahil nilo-look forward din ng aktres na makasama pa rin nito si Gab sa kanyang mga future projects.

“Na-discover ko and I also think na Gab brought it out of me din na na-discover how patient I can be and na masaya talaga magkaroon ng partner na katulad ni Gab na mapagbigay every time that we have scenes together. Ang saya din makakita ng bagong actor who’s so very willing to learn and nakaka-inspire kasi na ganun yung katrabaho mo eh. Mas gusto mo rin paghusayan para makatulong ka rin sa kanya.

“As of now I hope meron (kaming projects together), pero sa ngayon wala pang pinag-uusapan pero baka naman...sana, in the future. Pero sayang nga kasi dapat marami rin kaming guestings together. Pero I think because hinintay muna kaming ma-vaccinate and all of that baka kaya hindi natuloy muna for now. But we were supposed to do so much for Init Sa Magdamag na sayang nga hindi natuloy. Sana matuloy pa in the future,” masayang pahayag ng young actress.

Ador V. Saluta