Bagamat hindi direktang tinukoy ang GMA writer na si Suzette Doctolero, marami ang naniniwala na para dito ang naging pahayag ni Ogie Diaz.

Sa YouTube, tinalakay nina Ogie at Mama Loi ang kontrobesiyal na pahayag ni Director Andoy Ranay, kung saan nito ipinunto ang kanyang rason kung bakit siya nananatili at patuloy na nagsisilbi sa ABS-CBN. Aniya, naniniwala siyang pang-“world-class” ang content na ipinalalabas ng network kahit pa wala itong prangkisa.

“’Yun naman, so aanhin mo ang franchise kung basura naman yung trabaho – wow! Grabe,” aniya.

Mabilis na kumalat at nag-viral ang pahayag na ito ni Andoy at isa nga sa mga nag-react ditto ay si Suzette.

Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!

Sa katunayan, ini-repost pa niya ang artikulo at nag-react ditto.

Kalaunan, may panibagong post pa ang GMA writer, bagamat kapwa unavailable na ang post.

Pero mababasa rito ang pahayag na: “And yes, may franchise kami. Kasi we pay our taxes… at yun ang totoong may class.”

Ito ang pahayag na pinag-usapan nina Ogie.

“Siya (Suzette) ba pinaparinggan? Parang hindi naman ata. Ito namang lola mo, react nang react,” say ng talent manager-comedian.

“Wag mong angkinin ang alam mong hindi yun ang nagde-describe sa iyong network. Akala mo nakakatulong sa network yung ginagawa mo? Hindi. Hindi talaga,” giit ni Ogie. “Kasi kung world-class hindi ganyan ang mga sagot. Actually ang world-class or yung may class… Ang totoong may class, ay yung hindi ka kumikibo dahil alam mong hindi kayo yung pinapatungkulan.”

Ayon pa kay Ogie para rin itong blind item.

“Ang bina-blind item ko siya (point Mama Loi) pero siya (point Tita Jegs) yung umangkin,” paliwanag pa ni Ogie, na sinundan ng tanong kung ba’t hindi nag-react si Mama Loi.

“Eh kasi hindi naman ako masasaktan kung hindi naman totoo,” sagot nito, na dinugtungan ni Ogie ng: “Exactly! Dapat ganu’n ang attitude. Yun ang may class.”

Dagdag pa niya: “Oo, wag masyadong palengkera! Ikaw naman! Dapat yung script na lang pinagaganda lalo.”

Tinanong naman ni Mama Loi si Ogie kung bakit hindi nito binabanggit ang pangalan ng writer.

“Di niya deserve,” sagot niya habang tumatawa.