Habang nag-eensayo para sa darating na laban kay Errol Spence sa United States, Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao na-knockout na ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

Nahalal si Cusi bilang bagong pangulo ng Pilipinas-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), kapalit ni Pacquiao, sa national assembly ng partido sa Clark, Pampanga nitong Sabado, Hulyo 17.

“Mr. Chairman, Mr. President, partymates, maraming, maraming salamat po sa tiwalang ibinigay niyo sa akin at makakasa po kayo na I will live by the oath that I took in front of you,”ayon kay Cusi, na ipinakilalang bagong pangulo ng partido matapos ang kanyang panunumpa.

Si Pangulong Duterte ang namahala sa panunumpa ni Cusi maging sa iba pang bagong opisyal ng partido.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kabila ng pagtanggi ni Pacquiao na kilalanin si Cusi pagpupulong na pinamumunuan ni Cusi, hindi bababa sa 250-miyembro ng PDP-Laban ang dumalo sa national assembly, physically at virtually.

Kasama sa mga dumalo sina, Senators Francis Tolentino, Ronald “Bato” dela Rosa, at Christopher “Bong” Go, maging si House Speaker Lord Allan Velasco.

Bago ang botohan, nagkaroon ng closed door meeting para ideklara ang 16 national officer positions at committee chairmanships na bakante kasama ang posisyon ni Pacquiao at maging posisyon ni Senador Koko Pimentel bilang executive vice chairman.

Itinanggi naman ng PDP-Laban secretary general Melvin Matibag na pinatalsik nila si Pacquiao.

Vanne Elaine Terrazola