Magkakaloobang Department of Transportation -Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT3) ng isang linggong libreng sakay para sa lahat ng persons with disabilities (PWDs).

Sa isang paabiso ng DOTr-MRT-3, nabatid na ang libreng sakay ay sinimulan nitong Sabado, Hulyo 17, at magtatagal hanggang sa Hulyo 23, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week.

“MAGANDANG BALITA! Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng ika-43 National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week, ang DOTr MRT-3 ay mamamahagi ng LIBRENG SAKAY mula ika-17 hanggang ika-23 ng Hulyo 2021 sa lahat ng mga Persons with Disabilities (PWD) na pasahero ng linya,” anunsyo pa ng DOTr-MRT3.

Nabatid na magsisimula ang pagbibigay ng libreng sakay mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi sa mga nasabing mga petsa.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Upang makapag-avail ng libreng sakay, kinakailangan lamang na ipakita ang PWD ID sa security personnel.

“Kaisa ang buong hanay ng MRT-3 sa pagkilala at pagsulong ng mga karapatan ng mga kapatid nating PWD,” anito pa.

Ang MRT-3, na bumabaybay sa kahabaan ng EDSA, ang siyang nag-uugnay sa Taft Avenue sa Pasay City at North Avenue sa Quezon City.

Mary Ann Santiago