Tiniyak ni Senador Panfilo Lacson sa kanyang mga kaibigan na hindi siya magkakaroon ng “hard feelings” kung hindi sasali ang mga ito sa kanyang kampanya para sa eleksyon 2022.

“The 2022 campaign won’t change anything between us and our personal friends who are not joining our team. No hard feelings. Everything is fair in anyone’s choice of leaders,” ayon sa tweet ni Lacson nitong Sabado, Hulyo 17.

“This is all temporary. We will come out of this exercise stronger in bond and closer in friendship,” dagdag pa niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

https://twitter.com/iampinglacson/status/1416194806913675264

Kasama ni Lacson ang kanyang potential running mate na si Senate President Vicente Sotto III, sa pakikipag-ugnayan sa mga local government officials at political groups bilang parte ng kanilang konsultasyon para sa darating na halalan.

Ayon kay Sotto, kasalukuyang namumuno sa Nationalist People’s Coalition (NPC), handa ang kanyang partido na mangampanya kay Lacson bilang independent at standard bearer.

Inaasahan na magpapahayag ang dalawa ng kanilang desisyon sa Agosto 5, bagaman nasabi na ni Sotto ang kanilang interes na mag-file ng kandidatura.

Vanne Elaine Terrazola