Aabot pa sa 99 na pagyanig ang naitala sa Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), kabilang sa nasabing bilang ang 90 volcanic tremor events na tumagal ng 11 minuto at ang siyam na low-frequency volcanic earthquakes.

Paliwanag ng Phivolcs, ang mga naitalang pagyanig nitong Sabado ay apat na beses na mas mataas sa naitalang 22 pagyanig nitong Biyernes (Hulyo 16).

Dahil dito, binalaan na naman ng ahensya ang publiko na huwag lumapit o pumasok sa ipinaiiral na permanent danger zone dahil sa bantang panganib ng bulkan na isailalim pa rin sa Level 3 ang alert status nito dahil sa patuloy na pag-aalburoto.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Ellalyn De Vera-Ruiz