Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang dalawang namatay mula sa 35 katao na nagpositibo sa Delta variant ng COVID-19 virus sa bansa.

“Dito sa Pilipinas, we have a total of 35 individuals detected with the Delta variant. Dalawa sa kanila ay namatay. Yung isa at tiga-MV Athens at yung isa ay tiga-Maynila,” ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang televised briefing nitong Sabado Hulyo 17.

Bineberipika pa rin ng DOH ang health status ng COVID-19 patient sa Antique na nagkaroon ng Delta variant.

“Yung isa, vine-verify pa natin, yung tiga-Antique na apparently namatay din. We are getting the complete information so that we can inform the public. Yung isang namatay, hindi pa verified kaya dalawa pa rin po ang nasa talaan natin,” aniya.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ayon sa opisyal ng Western Visayas Center for Health Department, ang COVID-19 patient sa Antique na mayroon Delta variant ay namatay noong Mayo.

“Based sa pinadala na event-based report ng Provincial Health Office ng Antique, itong case number 34 ay namatay last May 31,” ayon kay Dr. Ma. Sophia Pulmones, Chief ng Western Visayas’ Local Health Support Division.

Nitong Biyernes, Hulyo 16, kinumpirma ng DOH ang 16 na bagong kaso ng Delta variant, kasama ang 11 na lokal na kaso.

Gayunman, sinabi ni Vergeire na yung 32 na iba pang kaso ay nakarekober na sa COVID-19.

“Sa ngayon, we are doing intensive contact tracing among all of these individuals who were positive for the Delta variant. Dito natin makikita kung meron tayong mga link sa bawat kaso at kung saan nag-originate itong mga pagkakasakit na ito,” aniya.

Analou de Vera