Itinuturing na isang “himala” ng opisyal sa Russia ang naging emergency landing ng isang pampasaherong eroplano sa isang Siberian field, at nagtamo lamang ng sugat at pasa ang 18 katao na sakay nito.
Mula Kedrovy, patungo sanang Tomsk ang An-28 na eroplano na ino-operate ng Siberian Light Aviation (SiLA), nang mawalan ito ng koneksyon, ayon kay Governor Sergei Zhvachkin.
Inanunsyo ng emergencies ministry na natagpuan ang eroplano, matapos mag ”hard landing,” at natagpuan ang mga nakaligtas na pasahero.
Natagpuan ang eroplano 155 kilometro mula sa airstrip sa Tomsk.
Inanunsyo ni Zhvachkin, na buhay ang lahat ng pasahero kabilang ang tatlong crew at tanging mga sugat at pasa lamang ang tinamo ng mga ito ayon sa medics.
“We all believed in a miracle. And thanks to the professionalism of the pilots, it came true: everyone is alive,” ayon sa Gobernador.
Ayon kay Farukh Khasanov, isa sa mga piloto, nasira ang mga makina ng eroplano.
“We had no time to think, we had to do our work,”pagbabahagi niya sa TASS news agency.
“Everything is fine with us. Everyone is alive and well — that’s the most important thing.”
Dinala naman ang mga pasahero at crew sa kapital ng Tomsk para upang masuri ng mga doktor.
Binanggit ng Interfax news agency, na anim sa mga pasahero ang tumangging sumakay sa helicopter mula sa crash site papuntang Tomsk at nais na bumiyahe sa pamamagitan ng minibus.
Agence-France-Presse