Nadagdagan na ang mga kama para sa mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa matapos mag-donate ang Estados Unidos ng 420 Intensive Care Unit hospital beds, ayon sa Department of Health (DOH).
Kahapon nang ipagkaloob na ni US Embassy Charge d’Affaires John Law ang donasyon sa DOH.
Personal tinanggap ni DOH Secretary Francisco Duque III sa DOH compound ang mga nasabing medical equipment na nagkakahalaga ngP23.9 milyon o US$498,000.
Tiniyak naman ng DOH na ipamamahagi nila ang mga ito sa iba't ibang lugar sa bansa kung saan mataas ang bilang ng naitatalang kaso ng COVID-19.
Beth Camia at Mary Ann Santiago