CABANATUAN CITY - Patay ang isang driver nang salpukin ng isang sports utility vehicle (SUV) ang minamanehong tricycle na sakay ang anak na babaeng sinundo nito sa eskuwelahan sa Barangay Bangad ng nabanggit na lungsod, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Staff Sgt. Mario Veniegas, may hawak ng kaso, ang nasawi na si Ariel Riparip, 53, taga-Brgy. Kalikid Norte ng naturang lungsod.

Nasugatan naman ang 13-anyos na anak na babae na isang Grade 7.

Naiulat ng mga awtoridad na pauwi na sana si Riparip, kasama ang anak na sinundo nito mula sa dinaluhang gawaing may kinalaman sa kanilang pag-aaral nang maganap ang insidente, dakong 11:30 ng gabi.

Probinsya

Suspek sa pinatay na 7-anyos na batang babae, nakainom bago upakan ang biktima!

Bigla na lamang umanong sinalpok ng SUV na minamaneho ni Senior Fire Officer 3 Jose Agapito ang sinasakyang tricycle ng mag-ama.

Kaagad namang sumuko sa pulisya si Agapito at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Ariel Avendaño