COTABATO CITY — Nasa P67.5 milyong halaga ng health support facilities ang ibinigay ng Ministry of Health–Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MOH-BARMM) nitong Huwebes, Hulyo 15 sa probinsya ng Basilan.

Pinangunahan ni Dr. Bashary Latiph, BARMM health minister ang pag-turnover ng bagong ₱30-million Lamitan District Hospital (LDH) building, bagong ₱25-million coronavirus disease 2019 (Covid-19) isolation facility, dalawang ambulansyang pandagat na nagkakahalagang ₱6 na milyon at land ambulance na nagkakahalagang ₱2.5 na milyon.

“The funding on the LDH alone came from the 2017-2018 health facility enhancement program of the BARMM,” ayon sa pahayag ni Latiph.

Nagdagdag siya ng pondo para sa Covid-19 facility na nagmula sa public works office ng BARMM.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nagbigay rin ang MOH-BARMM ng 300 barangay healthworker kits na nagkakahalagang ₱1.4 na milyon, at cash incentives na ₱2.6 na milyon sa BHWs.

Ang bawat BHW kit ay naglalaman ng laptop, tablet, medical tools, at assorted na first aid medicine.

“Take care of the health facilities because we need them for our continuing fight against Covid-19 and other health-related emergencies,” aniya sa Basilan health officials na pinangungunahan ni LDH chief Dr. Jackie Lou Eisma-Castillo.

Tiniyak niya sa Gobernador ng Basilan na si Jim Hataman Salliman at Bise Gobernador Yusop Alano, na ang MOH ay mananatiling tutugunan ang pangangailangan sa health care services sa rehiyon, lalo na sa panahon ng pandemya.

PNA