Makalipas ang halos dalawang linggo mula nang bumagsak ang C-130 plane ng Philippine Air Force (PAF) sa Patikul, Sulu isa sa mga sundalong nasa kritikal na kondisyon ang tuluyan nang pumanaw nitong Biyernes, Hulyo 16, kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kinilala ang namatay na siPrivate Jesfel Mequiabas, isang Philippine Army (PA) personnel at tubong Misamis Oriental.

Sa pagbabahagi niCapt. Jonathan Zata, hepe ng public affairs office (PAO), dakong 2:30 ng medaling araw pumanaw si Mequiabas sa hindi pinangalanang ospital.

“The AFP has reached out to his loved ones and his remains are being prepared to be transported to their hometown,” ani Zata.

National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!

Dahil ditto umakyat na sa 53 ang kabuuan ng bilang ng mga namatay sa insidente. Kabilang sa mga ito ang 50 miyembro ng militar at tatlong sibilyan.

Sa mga namatay, 29 na military personnel ang natukoy na ang pagkakakilanlanhabang 21 katawan pa ng ibang sundalo—na karamihan ay nagtamo ng matinding sunog sa katawan—ang patuloy na nasa mga punerarya.

“The other cadavers [are] still undergoing the tedious process of identification to ensure that they are reunited to their families as soon as possible,” saad pa ni Zata.

Samantala, 50 iba pa, kabilang ang 46 na sundalo ang sugatan at patuloy na nagpapagaling sa iba’t ibang ospital sa Zamboanga City at Sulu.

Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa rin natutukoy ng mga imbestigador ang tiyak na dahilan ng pagbagsak ng Lockheed C-130 Hercules aircraft na may tail number na 5125 sa Patikul nitong Hulyo 4.

Lulan ng C-130 ang 95 na military personnel, na karamihan ay Army privates —tulad ni Mequiabas — na katatapos lamang ng training at patungo sana sa kanilang unang deployment para magsagawa ng counter-terrorism operations sa Sulu, na kilalang pinamumugaran ng notorious na Abu Sayyaf Group (ASG).