Nakapagtala nitong Miyerkules ang Indonesia ng record daily infections na umabot ng 54,000 sa gitna ng pananalasa sa bansa ng labis na nakahahawang Delta variant, na naglagay sa bansa una sa India bilang bagong Covid-19 epicentre sa Asya.

Nagdurusa ngayon ang bansa sa Southeast Asia mula sa virus explosion na nagpapa-apaw sa mga ospital, na nagdulot ng malaking bilang ng mga pasyenteng namamatay sa kanilang tahanan, habang nagkukumahog ang mga pamilya sa paghahanap ng oxygen tanks na makakagamot sa mga may sakit.

Nitong Miyerkules, naitala ng health ministry ng Indonesia ang pinakamataas nitong record ng 54,517 new cases at 991 deaths sa loob ng 24 oras— halos 10 beses na mas mataas na daily mortality rates kumpara nitong Hunyo.

Gayunman, ikinababahala pa rin ang severe undercount na naibabalitang datos dahil sa mababang testing rates at mahinang contact tracing.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

"Indonesia could become the epicentre of the pandemic, but it's already the epicentre of Asia," pahayag ni Dicky Budiman, Indonesian epidemiologist sa Australia's Griffith University.

"If you look at the population difference between India and Indonesia... then the pandemic is far more serious than in India."

Babala ni Budiman maaaring umanot sa 100,000 kada araw ang bilang ng daily cases at maaari madoble sa 2,000 ang bilang ng virus deaths sa pagtatapos ng buwan.

Ang India, na una nang binayo ng Covid wave nitong unang bahagi ng taon, ay nakapag-uulat ngayon ng average na 44,000 daily cases at 1,028 deaths.

Gayunman ang populasyon nito ay limang beses ng halos 270 milyong tao ng Indonesia, na nasa 141 cases per million people kumpara sa tinatayang 29 cases per million sa India, ayon sa website na ourworldindata.org.

Sa cumulative basis, nakapagtala ang India ng higit 30 million na impeksyon at higit 400,000 deaths mula nang pumutok ang pandemic, malaki ang agwat kumpara sa 2.6 million cases at 69,210 deaths ng Indonesia.

Agence-France-Presse