ZAMBOANGA CITY - Nasamsam ng pulisya at Bureau of Customs (BOC) ang ₱3.5 milyong halaga ng puslit na sigarilyo sa karagatan ng lungsod, nitong Huwebes.

Sa pahayag ng mga tauhan ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company (2ZCMFC), nasabat nila ang kargamento malapit sa isla ng Manalipa ng siyudad.

Kasama ng mga pulis ang mga tauhan ng Bureau of Customs na nagpapatrulya sa lugar nang mamataannila ang kahina-hinalang bangkang de-motor na lulan ang apat na tripulante mula sa Basilan.

Nang siyasatin, nabisto nila ang 100 kahon ng sigarilyo na walang papeles at tinangkang ipuslit sa lungsod.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang apat na tripulante habang inihahanda ang kaso laban sa mga ito.

PNA