Nagbitiw na sa kanyang puwesto bilang head coach ng University of the Philippines' men's basketball team si Dolriech "Bo" Perasol.
Ito ang isiniwalat ng 49- anyos na mentor kahapon sa kanyang inilabas na statement kung saan isa sa pangunahing dahilan na kanyang ibinigay ay ang kasalukuyang napakahirap na sitwasyon na dulot ng pandemya.
"Yes, I have resigned," ani Perasol. "I thank UP for believing in me from the my very first year as coach of the Fighting Maroons. I feel this is the right time for me to step aside and help whoever will come after me continue what I started."
"I promised UP after Season 82 that I will stay for another season just to sustain the rebuilding process which started many, many years back, coming off from zero wins back then. Unfortunately, the pandemic has impacted on all of us, including the dynamics of the playing field. It has sadly changed my views, plans and priorities too. We have gotten this far in just four seasons under my helm. That is unprecedented in fact. But the team still needs better plans as always, and a reboot. I have now decided not to coach for my last season and I have already submitted to UP officials a short list of possible replacements for my position," pagbibigay-diin nito.
Ilan sa mga inirekolmenda niya upang pumalit sa kanyang puwesto sina National University-Nazareth School head coach Goldwin Monteverde at Gilas Women head coach Patrick Aquino.
Ang kanyang best season ay noong Season 81, nang gabayan niya ang Fighting Maroons sa una nitongFinals mula noong 1986 kung saan natalo sila sa eventual champion Ateneo.
Iiwan ni Perasol ang Maroons na may pinalakas pang roster ng kanyang mga recruits na sina Gilas cadet Carl Tamayo; Batang Gilas standouts Terrence Fortea, Gerry Abadiano, RC Calimag at Miguel Tan; dating UST Tiger Cub Bismarck Lina; at mga Fil-foreign prospects Sam Dowd, Alonso Tan at Antonio Eusebio.
Bukod pa rito ang mga transferees na sina 6-11 Senegalese Malick Diouf mula CEU, dating UST captain CJ Cansino, dating-La Salle playmaker Joel Cagulangan, dating Mapua slasher Cyril Gonzales, at ex-University of the Visayas star Jancorck Cabahug.
Sila ang inaasahang papalit at magpupuno sa mga naiwang puwang dulot ng pagkawala ninalast season's top scorer Kobe Paras dating MVP Bright Akhuetie, ang magkapatid at kapwa dating Gilas cadets na sina Javi at Juan Gomez de Liaño, Jun Manzo, Jaydee Tungcab at David Murrell.
Marivic Awitan