ILOILO CITY – Posibleng isara muli sa mga turista ang Boracay Island upang mapigilan ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Malay, Aklan Mayor Frolibar Bautista, mangyayari lamang ito kung isasailalim ng gobyerno sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Aklan dahil na rin sa pagtaas ng kaso ng sakit sa lalawigan.

"We submitted an appeal that Aklan won’t be under MECQ,” paglilinaw ni Bautista.

Inirekomenda na ng COVID-19 Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim sa MECQ ang probinsya mula Hulyo 16-31.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

“Even if it’s just two weeks, there will be a negative impact to Boracay businesses, workers, and residents,” paglalahad ng alkalde.

Ikinatwiran ng alkalde ang pagdagsa ng mga turista sa isla nitong nakaraang Hunyo. Nasa 26,354 na turista ang bumisita ng isla sa nabanggit na panahon kahit nasa pandemya pa rin ang bansa.

"The national government should reconsider,” pagdidiin pa ni Bautista.

Tara Yap