Inaprubahan ni Pangulong Duterte na ibalik ang National Capital Region (NCR) sa normal na general community quarantine (GCQ) hanggang katapusan ng buwan, kasama ang 29 na lugar sa bansa.
Sa isang video message nitong Huwebes, Hulyo 15, inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na bukod sa Metro Manila, narito pa ang sumusunod na mga lugar na isasailalim sa normal GCQ simula Hulyo 16 hanggang Hulyo 31, 2021:
- Baguio City
- Apayao
- City of Santiago, Isabela
- Isabela
- Nueva Vizcaya
- Quirino
- Bulacan
- Cavite
- Rizal
- Quezon
- Batangas
- Puerto Princesa City
- Guimaras
- Negros Occidental
- Zamboanga Sibugay
- City of Zamboanga
- Zamboanga del Norte
- Davao Oriental
- General Santos City
- Sultan Kudarat
- Sarangani
- Cotabato
- South Cotabato
- Agusan del Norte
- Surigao del Norte
- Agusan del Sur
- Dinagat Islands
- Surigao del Sur
- Cotabato City
Ang mga sumusunod na lugar ay isasailalim sa GCQ with heightened restrictions hanggang sa katapusan ng buwan, maliban sa apat:
- Cagayan
- Laguna
- Lucena City
- Naga City
- Aklan (hanggang Hulyo 22)
- Bacolod City (hanggang Hulyo 22)
- Antique (hanggang Hulyo 22)
- Capiz (hanggang Hulyo 22)
- Negros Oriental
- Zamboanga del Sur
- Davao City
Ang probinsya ng Laguna, ang nag-iisang lugar sa NCR plus bubble area na mananatili sa GCQ with heightened restrictions.
Siyam na lugar naman ang isasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) simula Hulyo 16 hanggang Hulyo 30, maliban sa dalawa:
- Bataan
- Iloilo City (hanggang Hulyo 22)
- Iloilo (hanggang Hulyo 22)
- Cagayan de Oro City
- Davao Occidental
- Davao de Oro
- Davao del Sur
- Davao del Norte
- Butuan City
Ayon kay Roque, ang quarantine classification ng Iloilo province at Iloilo City ay tinitignan pa kung magbabago ang numero nito.
“Kung hindi po mag-improve ang ating mga numero, ay posible po na mabago muli ang classification ng Iloilo City at Iloilo,” aniya.
Paliwanag ni Roque nitong Miyerkules, ang pagluluwag sa restrictions ay nakadepende sa datos ng COVID-19 sa lugar.
“Let’s just say that we will follow the established criteria of looking at the attack rates and health care utilization rate,” aniya.