TIAONG, Quezon - Patay ang isang magsasaka matapos barilin ng hindi nakikilalang lalaki sa Barangay Paiisa, nitong Miyerkules ng umaga.

Dead on the spot ang biktima na si Rodolfo Mondalico, 34, taga-nasabing lugar, dahil sa mga tama ng bala sa ulo.

Sa paunang ulat ng pulisya, naglalakad lamang ang biktima sa MarcialPunzalan, Jr. Road, Sitio Gitna, Brgy. Paiisa nang biglang sumulpot ang suspek at binaril ito, dakong 6:50 ng umaga.

Kaagad na tumakas ang suspek matapos ang pamamaslang.

Probinsya

27-anyos sa Lapu-Lapu City natuli na, may ₱10k pa!

Narekober ng pulisya sa lugar ng krimen ang dalawang basyo ng bala ng Cal. 45 pistol.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa kaso.

Danny Estacio