Nadagdagan pa ng 5,221 bagong kaso ng COVID-19 ang tala ng Pilipinas nitong Huwebes, Hulyo 15.
Batay sa case bulletin no. 488 na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes ng hapon, nabatid na dahil sa naturang bagong bilang, umaabot na ngayon sa 1,490,665 ang total COVID-19 cases sa bansa.
Sa naturang kabuuang bilang, 3.1% o 45,495 ang aktibong kaso, kabilang dito ang 91.4% na mild cases, 2.8% severe cases, 2.1% asymptomatic, 1.96% na moderate at 1.7% na kritikal.
Samantala, nadagdagan rin naman ang bilang ng mga gumaling sa karamdaman ng 4,147 bagong recoveries kaya’t umaabot na ngayon sa kabuuang 1,418,856 ang total COVID-19 recoveries sa bansa, o 95.2% ng total cases.
Maging ang mga namatay dahil sa kumplikasyon sa sakit ay nadagdagan rin naman ng 82.
Dahil dito, 26,314 na ang death toll ng COVID-19 sa Pilipinas o 1.77% ng total cases.
Mary Ann Santiago