Posibleng mabuo bilang bagyo ang namataang low pressure area (LPA) sa Silangan ng Northern Luzon nitong Huwebes.
Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang nabanggit na sama ng panahon ay huling namataan sa layong 1,470 kilometro ng Silangan ng Gitnang Luzon.
Ipinaliwanag naman ni weather forecaster Ariel Rojas, inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang LPA sa loob ng 12 oras.
Sa pagtaya nito, mabubuo na ang sama ng panahon bilang bagyo sa loob ng 36 oras.
“In the next 24 to 36 hours ay posibleng maging isang bagyo na ang LPA sa loob ng PAR," aniya.
Kapag tuluyang mabuo bilang bagyo, papangalanan itong "Fabian".
Inaasahan din ni Rojas na hindi tatama sa kalupaan ang bagyo, gayunman, paiigtingin nito ang habagat na magdadala ng pag-ulan sa northern Luzon.
Jhon Aldrin Casinas