Talagang matigas ang ulo ni Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD). Kasingtigas ng bato.

Iginigiit ng "matigas ang ulo" na Presidente na ayaw niyang kumandidato ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa presidency sa 2022 dahil napakahirap maging pangulo ng bansa.

"Ayaw ko talagang tumakbo siya. Kontra ako sa candidacy ng aking anak. I want her spared from the vagaries of politics in the Philippines," pahayag ni PRRD nang hingan ng reaksiyon sa pahayag ni Sara sa Cebu City noong nakaraang linggo na "bukas" siya sa presidential bid.

Si Sara ang nangunguna sa hanay ng mga pulitiko sa pagkapangulo batay sa survey ng Pulse Asia. Kasunod niya si Manila Mayor Isko Moreno.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kung si columnist Ramon Tulfo na nakasama ko sa defense beat noong araw ang paniniwalaan, sakaling matuloy ang Duterte-Duterte tandem (Sara-Digong) at manalo si Sara bilang pangulo at si PRRD bilang Bise Presidente, hindi raw madidiktahan si Inday Sara ng ama.

Ayon kay Tulfo, noong si Inday Sara ang alkalde ng Davao City at vice mayor niya ang ama, hindi umubra ang ama sa anak. Hindi raw kinukunsulta ni Sara si Mano Digong sa mga desisyon nito. Ang kanyang mga big bikes o motorsiklo ay kinumpiskang lahat ni Sara at inalis sa parking area. Mahilig si PRRD sa motorsiklo.

Sabi pa ni Tulfo, inalis na lahat ni Inday Sara ang mga tao o tauhan ng ama sa City Hall. Dahil dito, mas pipiliin ni Mano Digong na makatambal si Sen. Bong Go kapag ipinasiyang tumakbo bilang vice president.

***

Kinatigan ni US Pres. Joe Biden ang paninindigan noon ni ex-Pres. Donald Trump na walang legal na karapatan ang China na angkinin ang halos buong South China Sea, kabilang ang West Philippine Sea (SEA) na teritoryo ng Pilipinas. Kahit sila magkalaban sa pulitika, sang-ayon si Biden sa desisyong ito ni Trump.

Nagbanta rin ang Biden administration na ano mang pag-atake ng China sa PH ay aaksiyunan agad ng US bilang pagtupad sa defense treaty ng US at PH. Ang banta ay ginawa ni Secretary of State Anthony Blinken kaugnay ng ika-5 taon ng tagumpay ng Pinas sa China batay sa ruling ng international Arbitral Court.

Bert de Guzman