PESHAWAR, Pakistan – Isang bus ang sumabog at nahulog sa bangin sa northwest Pakistan na kumitil ng 12 katao kabilang ang siyam na Chinese ngayong Miyerkules, ayon sa mga opisyal.

Lulan ng bus ang nasa 40 Chinese engineers, surveyors at mechanical staff patungo sana sa isang hydropower dam construction site sa Khyber Pakhtunkhwa province.

Mahigpit na kaalyado ng Islamabad ang Beijing, bagamat matagal nang itinuturing na pangamba ang seguridad ng mga Chinese workers sa bansa.

Ayon sa foreign ministry ng Pakistan, “the bus plunged into a ravine after a mechanical failure, resulting in leakage of gas that caused a blast.”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Samantala, nagpahayag naman si Chinese foreign ministry spokesman Zhao Lijian ng "shock and condemnation over the bombing."

Hinikayat ng opisyal ang Pakistan "to severely punish" ang mga responsable sa pag-atake at "earnestly protect" Chinese nationals at ang mga proyekto nito.

Kapwa inanunsiyo ng dalawang bansa na siyam na Chinese workers at tatlong Pakistani ang namatay sa insidente na naganap dakong 7:00 ng umaga.

Ibinahagi naman ni Arif Khan Yousafzai, senior government official ng Kohistan district na nasa 28ang sugatan sa pagsabog.