Isang tatlong anyos na babaeng Filipino-Canadian ang dinukot at sinaksak ng sarili nitong ama sa Canada.

Natagpuang may saksak sa katawan si Jemimah Bundalian, sa loob ng isang sasakyan sa King Edward Street, Jefferson Avenue, sa Winnipeg, ayon sa ulat ng CTV News.

Dinala pa ang bata sa hospital ngunit namatay ito kalaunan dahil sa mga tinamongpinsala sa katawan.

Sa ulat, dakong 9:28 ng umaga nitong Hulyo 7, nang makatanggap ng report ang Winnipeg police hinggil sa kaso ng abduction sa naturang lugar.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Dinukot umano ng kanyang 28-anyos na ama, na si Frank Nausigimana, ang biktima mula sa ina nito na tinutukan ng kutsilyo, habang nakasakay sa isang sasakyan.

Itinakas nito ang anak ngunit kalaunan ay naaresto rin. Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at nakatakdang kasuhan ng first-degree murder.

Nitong Lunes, nagtipon ang ilang residente ng lugar sa Winnepeg upang ipagluksa ang pagkamatay ni Jemimah. Ilan ang nag-alay ng mga stuffed toys, bulaklak at kandila sa bahagi ng King Edward Street.

“It is sad to see a young girl’s life taken so shortly – she was so innocent and beautiful,” ayon kay Darryl Contois, na nag-oragnisa ng vigil sa panayam ng CTV News.

Samantala, isang GoFundMe campaign naman ang itinatag ng pamilya ng biktima kasabay ng paghingi nila ng sporta at patuloy na panalangin para sa biktima.

“She’s such a smart girl at the young age of 3 and has accomplished so much in the little time she had with her loved ones,” paglalarawan ng kanyang tiyahin, na si Karla Chingcuangco, sa page.

“She loves spending time outdoors on her scooter, biking, dancing, singing, reading, swimming, and making crafts. She is the sunshine amongst everyone she encounters.”

Patuloy ang imbestigasyon sa kasong ito.