Nagkaloob ang Globe at mga partners nito ng connectivity support at iba pang tulong sa mga medical frontliners na patuloy na nakikipagsapalaran para maalagaan ang mga pasyenteng may COVID-19.

Ang UP-Philippine General Hospital (PGH), National Children's Hospital (NCH), at Tondo Medical Center (TMC) ay nakatanggap ng WiFi kits, entertainment sets, groceries, medical supplies, insurance vouchers, at cash.

Kasama sa connectivity kits na bigay ng Globe ang entertainment sets para sa specialized centers ng National Children's Hospital

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"Habang patuloy ang pagbabakuna sa bansa, at unti-unti ng nakakabawi ang iba't ibang mga industriya at negosyo, nais naming iparating ang aming lubos na pasasalamat sa mga frontliner na tumutulong masugpo ang COVID-19," sabi ni Ernest Cu, Globe President at CEO.

Ang bawat ospital ay nakatanggap ng 50 Globe MyFi na may libreng 9 GB na data na may pitong araw na bisa para sa mga medical frontliners, pati rin pondo na nakalap sa tulong ng Globe Rewards at GCash. Nagbigay din ang Globe ng mga smart TV na may Globe At Home Prepaid WiFi (HPWs) na may kasamang 10 GB na data para sa pitong araw. Ang mga ito ay inilagay sa COVID-19 at cancer wards at iba pang lugar ng mga pasyente gaya ng Emergency Room at Out-Patient Department.

Binigyan ng Globe ng smartTV ang PGH kasama ng mga pocket at Home Prepaid WiFi kits para sa karagdagang panlibang ng mga pasyente, kasabay ng patuloy na serbisyo ng frontliners

Ang mga customer ng Globe Business ay nakiisa rin sa adbokasiyang ito. Ang Generika, isang kumpanya ng AC Health ay nagbigay ng 500 na pakete ng Actimed Ascorbic Acid (Vitamin C), Actimed Paracetamol at Actimed throat lozenges para sa mga frontliner ng PGH.

Ang Century Pacific Food Inc., manufacturer ng sikat na mga delata sa bansa ay nagbahagi naman ng 500 pakete ng pagkain na binubuo ng Century Tuna at Birch Tree Fortified milk para sa mga kawani at pasyente ng NCH.

Gayundin, ang PureGo, isa sa lumalaking online platform sa paghahatid ng grocery sa Metro Manila, ay nagbigay ng 500 discount vouchers na nagkakahalaga ng P200 bawat isa sa mga empleyado ng TMC. Nagkaloob din ang GCash sa 500 frontliners ng TMC ng tatlong buwan na GInsure insurance coverage para sa COVID-19 at Dengue.

Pinabibilis ng Globe ang connectivity ng healthcare system sa pamamagitan ng paglalagay ng libreng GoWiFi access sa 124 na mga ospital sa buong Pilipinas. Nang magsimula ang pandemya, pinili naman ng Department of Health ang KonsultaMD para magbigay ng libreng serbisyong telehealth sa publiko habang ang mga ospital at klinika ay nakatuon ang pansin sa mga pasyente ng COVID-19 at iba pang may kritikal na sakit.

Ang mga pagsisikap na ito ay bahagi ng #BrigadangAyala, ang pinagsamang tugon ng Ayala Group sa pangako nitong pagtulong sa pambansang kaunlaran.

Masidhing sinusuportahan ng Globe ang 10 United Nations Sustainable Development Goals (UN SDG), partikular ang UN SDG No. 3, na tinitiyak ang malusog na buhay at nagtataguyod ng kabutihan ng lahat ng edad, at UN SDG No. 9, na binibigyang diin ang mga tungkulin ng imprastraktura at pagbabago bilang kritikal na mga driver ng paglago at pag-unlad ng ekonomiya. Nakatuon ang Globe na itaguyod ang mga prinsipyo ng United Nations Global Compact.