Kaya mo bang hindi maligo ng isang araw sa isang linggo? o mas magandang tanong, naliligo ka ba?
Kilalanin si Amou Haji, 87-anyos, mula sa Dejgah, isang lugar sa probinsya ng southern Iranian, Iran.
Umabot na sa 67 taon na hindi naliligo si Haji. Ayaw niya sa tubig at kapag mayroong nagsasabi sa kanyang maligo, nagagalit siya. Ayon sa panayam sa kanya ng Tehran Times, naniniwala siya na ang pagiging malinis ay nagdudulot sa kanya ng sakit o karamdaman.
Ayon sa kuwento, noong kabataan niya ay na-inlove ito sa isang babae, ngunit tinanggihan siya nito, na naging isa sa mga dahilan kung bakit pinili niyang mamuhay mag-isa.
Umalis siya sa lugar kung saan nakatira ang kanyang pamilya. Sa ngayon, nakatira siya sa labas ng kanilang bayan, natutulog siya sa mga grave-like hole sa lupa o ‘di kaya'y minsan sa itinayong dilapidated shack ng mga lokal doon.
Umiinom siya ng 4-6 na litrong tubig kada araw, ito raw ang sikreto para mapanatili ang kanyang kalusugan ngunit ang iniinuman niya ay isang marumi at kinakalawang na lata.
Ang kanyang kinakain naman ay bulok o panis na karne ng hayop. Kinakain niya yung mga hayop na nasagasaan ng sasakyan, o mga namatay. Mahilig siyang manigarilyo, binibigyan siya ng mga dumadaan at kapag naubos ito, ang tuyong dumi ng hayop naman ang hinihithit niya gamit ang kanyang pipe.
Ayon pa sa panayam, wala umano siyang pakialam kung nababalot na siya ng dumi. Kahit na kasing kulay na niya ang kanyang paligid at minsan ay napagkakamalang istatwa dahil sa kanyang kulay.
Tuwing tag-lamig, sinusuot niya ang lumang war helmet para mapanatiling mainit ang kanyang ulo.
Minsan, iisipin nating may problema siya sa pag-iisip. Ngunit sa isang banda, masaya siya at malusog para sa kanyang edad.