Pormal nang inanunsiyo nina Senador Manny Pacquiao at Errol Spence Jr. ang kanilang nakatakdang laban sa darating na Agosto 21 nitong nakaraang Linggo.
Maghaharap sina Pacquiao (62-7-2, 39 KOs) at Spence (27-0, 21 KOs) sa isang laban kung saan nakataya ang WBC at IBF welterweight titles ng huli sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.
Ito ang unang laban ng 42-anyos na si Pacquiao mula noong Hulyo 2019, nang talunin nya si Keith Thurman sa pamamagitan ng split decision.
Ayon kay Pacquiao, matinding pakikipagsapalaran ang kanyang pagbabalik sa ring lalo pa't haharapin nya ang isa sa top active fighters sa kasalukuyan.
"I can choose a much easier fight compared to Errol Spence but I chose to take on the unbeaten 147-pound champion because I want to give a good fight to the fans. I want a real fight."
Ito ang magiging ikalawang pagsalta ng 31-anyos na si Spence mula noong Oktubre 2019, kasunod ng kanyang kinasangkutan na car crash dahil sa pagmamaneho ng lasing.
Ang una nyang laban matapos ang aksidente ay noong Disyembre sa Dallas kung saan nagwagi sya ng unanimous decision kontra kay Danny Garcia.
Ang pay-per-view event ay mapapanood sa Fox Sports.
Marivic Awitan