Hinikayat muli ni Food and Drug Administration (FDA) director-general Eric Domingo ang publiko na magpabakuna na laban sa COVID-19, anumang brand ito ng bakuna, upang maprotektahan sila laban sa mas nakahahawang Delta COVID-19 variant.

Sa isang taped public briefing, tiniyak rin ni Domingo sa publiko na ang lahat ng COVID-19 shots na available sa bansa, iba-iba man ang efficacy level ng mga ito, ay makapagbibigay ng proteksyon sa mga Pinoy laban sa Delta strain.

Ayon kay Domingo, ang Pfizer vaccine ay may 93% efficacy rate laban sa Alpha variant na unang natukoy sa UK habang 88% naman itong epektibo laban sa Delta strain, na unang natuklasan sa India.

Aniya pa, ang AstraZeneca naman ay may 66% efficacy rate laban sa Alpha variant habang 60% naman ang bisa nito laban sa Delta variant.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Dagdag pa niya, ang Moderna at Johnson & Johnson ay mayroong 80% efficacy rate laban sa Delta variant. Samantala, ang iba pang drugmakers gaya ng Sinovac at Sinopharm ay nagsasagawa pa ng efficacy trials laban sa naturang strain.

“There's a decreasing efficacy as we get more mutations but hindi naman po nawawala ang bisa ng bakuna. It's still a useful vaccine,” pagtiyak pa ni Domingo.

Mary Ann Santiago