Para kay dating Senador Antonio Trillanes IV, hindi makabubuti sa Chief Executive kung magkatotoo ang hangarin nitong manalo ang oposisyon upang matikman kung paano magpatakbo ng isang bansa.

“Baka magkatotoo ‘yang panalangin niya. Hindi niya ikabubuti ‘yan,” tugon ni Trillanes, sa isang panayam sa Teleradyo ngayong Martes, Hulyo 13.

Bukas ang dating senador sa kanyang plano na tumakbo bilang presidente o bise presidente, binigyang-diin niya na ang una niyang hakbang ay ipagpatuloy ang kaso laban kay Duterte.

Nauna nang sinabi ni Duterte sa kanyang mga kritiko na hindi sila makuntento at sila ay gutom sa kapangyarihan.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Grabe siya magbaliktad ng mundo. Sabi ko nga, nire-recall ko nga, meron ba akong mura na ginawa all this time? Pero ganun siya,” ayon kay Trillanes.

Ayon pa kay Trillanes, alam na ng mga tao kung paano magsalita ang Presidente tuwing tinatalakay nito ang national policies.

“Isang observation lang, parang bangag eh, parang ‘high’ kung magsalita. Parang wala sa hulog eh. It’s unfortunate,” dagdag niya.

Hangga’t ang susunod na administrasyon ay hindi kakampi ni Duterte, makabubuti ito sa bansa dahil “talagang binaba niya nang todo ‘yung Pilipinas sa iba't ibang aspeto,” ayon kay Trillanes.