BEIJING, China – Isang hotel ang gumuho sa eastern China nitong Lunes, na kumitil ng walo habang siyam pa ang nawawala, ayon sa mga awtoridad.

Pitong survivors ang buhay na nahugot ng mga rescuers mula sa gumuhong budget Siji Kaiyuan hotel sa isang sikat na tourist city ng Suzhou, ayon sa inilabas na pahayag ng city government sa official social media account nito.

“The Suzhou government said it was sparing no effort to treat the injured,” habang patuloy, anilang iniimbestigahan ang dahilan ng pagguho.

Taong 2018 lamang nagbukas ang hotel na may 54 guest rooms, banquet hall at conference rooms, base sa travel site Ctrip.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Makikita naman sa mga larawang inilabas ng CCTV ang mga rescuers sa lugar ng insidente, habang nagpapatuloy ang rescue operation.

Ayon sa ministry, nasa 500 bumbero na ang ipinadala sa lugar para sa rescue mission.

Hindi naman ito bago sa bansa, na kalimitan ang insidente ng mga pagguho ng gusali dahil sa mahinang materyales at kurapsyon.

Agence-France-Presse