Nananatiling “very fragile” ang sitwasyon ng Pilipinas dahil ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay nasa “plateau,” ayon sa Department of Health (DOH).
“Sa kasalukuyan, nakakaranas tayo ng pag plateau sa kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa ating bansa,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Lunes, Hulyo 12.
“At nananatili paring very fragile ang ating situation,” dagdag pa niya.
Nagpahayag ng alalahanin ang health official sa patuloy na pagkalat ng coronavirus sa buong mundo, nabanggit niya na dapat maging maingat ang publiko.
“Ang patuloy ding paglaganap ng mas nakakahawang variants sa ibang panig ng mundo ay mas nangangahulugan na dapat patuloy tayong lahat na nagiingat laban sa sakit na ito,” aniya.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagpapaigting ng mga border protocol ng bansa upang maiwasan ang pagpasok ng higit na nakahahawang coronavirus variants.
“We are in the race against these variants,” ani Vergeire.
Aniya, malaki ang tulong ng bawat sektor sa komunidad para maiwasan ang pagpasok ng mga bagong variants.
Jhon Aldrin Casinas