Inanunsyo ng San Juan City local government nitong Lunes na matagumpay na na-inoculate ang higit sa 100 na porsyentong target na populasyon laban sa COVID-19. Matapos nitong mabakunahan ang higit 96,000 na residente na hindi bababa sa first dose ng bakuna.

(Photo from San Juan PIO)

Kasama ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang San Juan local government at national government officials, sina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, Presidential Spokesperson Harry Roque, COVID-19 testing czar Vince Dizon, at Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, sa Greenhills Shopping Center para markahan ang tagumpay.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ayon kay Zamora, noong Hulyo 11 ay nabakunahan na ng first dose ang 96,610 na residente, katumbas nito ang 112.18 na porsyento ng target population para makamit ang herd immunity, habang ang 29, 313 na residente naman ang nakatanggap ng second dose.

Pinuri ni Secretary Dizon at Secretary Duque ang LGU para sa mabilis at mahusay na vaccination program.

“Sabi nga po ni Secretary Duque, ang San Juan po ang kauna-unahang LGU sa Pilipinas na umabot ng at least one dose sa kanyang 70 percent target population. As of today, 96,610 na po ang nabakunahan ng at least one dose ng LGU ng San Juan,” ayon kay Dizon.

Ayon kay Zamora, kung patuloy silang makatatanggap ng mga bakuna galing sa national government, makakamit ng San Juan ang herd immunity sa katapusan ng Agosto ngayong taon.

Nitong Hulyo 11, naitala ng lungson ang 79 active covid-19 cases, 9,088 ang gumaling at 227 na namatay.

Dagdag pa ng CHO, ang barangay Isabelita, Pasadena, St. Joseph, at Sta. Lucia ay nananatiling COVID-19 free.

Patrick Garcia