Umabot sa 96 na porsiyento ng mga Pilipino ang nababahala na mahawaan ng COVID-19.

Base ito sa isinagawang pag-aaral ng Pulse Asia, kung saan tumaas sa 96% ngayong buwan ng Hunyo mula sa 94% nitong Pebrero ang nagsabing nababahala sila mula sa pagkahawa sa nakamamatay na virus.

Isinagawa ang pag-aaral mula nitong Hunyo 7 hanggang 16 sa 2,400 respondents.

Natukoy rin sa survey na 69 % ang “very much worried” habang 27% ang “somewhat worried.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Across geographic areas and socio-economic classes, concern about contracting COVID-19 is basically universal,” ayon sa Pulse Asia.

Sa geographic areas mayroong 96% hanggang 98% habang 96% hanggang 97% sa socio-economic classes.

“In particular, small to huge majorities in the different areas and classes are very much concerned about getting sick with COVID-19 (59 percent to 82 percent and 67 percent to 80 percent, respectively),” anila.

Iisang porsyento naman ang nagsabing hindi nababahala habang dalawang porsyento ang “undecided.”

Beth Camia