Tinaguriang “city of superlatives” sa kanilang world's tallest tower at iba pang record-breaking na imprastraktura, muling nadagdagan ng record ang Dubai, ngayon para sa kanilang deepest swimming pool sa buong planeta namay "sunken city" para sa mga divers.
Nitong Miyekules nagbukas ang Deep Dive Dubai, na nagpakilalang "the only diving facility in the world" kung saan maaaring sisirin ang 60 metrong lalim na pool (almost 200 feet), nasa 15 metrong mas malalim sa anumang pool sa planeta, na kinumpirma ng Guinness World Records.
Naglalaman ito ng 14.6 million litres (3.8 million gallons) ng fresh water, na katumbas ng anim na Olympic-size swimming pools.
Napalilibutan ng ilaw at may pa-background music pa, maaaring maglaro ang mga diver ng table football at iba pang laro sa ilalim ng pool, at pasyalan ang "abandoned sunken city."
May higit 50 camera ang nakakapit sa loob ng pool, para sa entertainment at safety purposes.
Nagkakahalaga ang isang oras na pag-dive dito ng $135 at $410, habang nangako ang Deep Dive na kalaunan ay bubuksan din ito para sa publiko.
Ang oyster-shaped structure nito ay bilang pagkilala sa pearl-diving tradition ng United Arab Emirates, kung saan miyembro ang Dubai, ayon kay Deep Dive Dubai's director Jarrod Jablonski, isang expat mula Florida, United States.
Muli nang binuksan ang Dubai para sa mga turista noong Hulyo ng nakaraang taon, at isa sa itinuturing na may world's fastest vaccination campaigns laban sa Covid-19.