LOS BAÑOS, Laguna- Isang Korean missionary ang natangayan ng P100,000 at gadget matapos biktimahin ng 'bukas-kotse' gang sa Barangay Años sa nasabing lugar, nitong Linggo ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si Sang Gu Choi, 65, at taga-Everest St., Fairmount Hills, Antipolo City, Rizal.Natangay sa kanya ang P100,00 cash, cellular phones, at iba pang personal na gamit.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Sa ulat ng pulisya, ipinarada ng biktima ng kanyang sasakyan sa harapan ng isang tindahan sa nasabing lugar saBrgy. BagongKalsada upang bumili ng pagkain, dakong 11:30 ng umaga.

Gayunman, pagbalik nito ay nakita niya na basag na ang salamin ng kanyang sasakyan.

Sa CCTV footage review ng pulisya, nakita ang apat na lalaki na sakay ng dalawang motorsiklo na pawang naka-helmet na bumasag sa salamin ng kotse ni Choi.

Danny Estacio